Monday, May 20, 2013


This is a continuation nung first post ko about the "Top 5 Must-Play Philippine Games".  Well, now I have another set of five games I've learned in the second half of my Philippine Games Class. <3 <3 <3

But before that, I will say something else muna...


During the last two weeks in class, we were asked din to invent games. Surprisingly, lumelevel din sa mga "known" Philippine Games yung mga nainvent ng ibang groups sa klase ko. In my list I will indicate whether this is an invented game of a group in our class or not.



Top 5 Must-play Philippine Games *New!

|| 5 || Pandarya || invented game

"So-Pinoy Award" 

The group who was able to come up with this game got the idea from the Philippine folk dance "Pandanggo sa Ilaw", and replaced the "ilaw sa baso" with "barya". So I guess you can imagine how the players look like! They look like Pandanggo sa Ilaw dancers pero piso ang mga nakalagay sa daliri. The game is very simple, you just have to take down the coins sa nakabalanse sa daliri ng kalaban mo. Oh diba? Ang witty!

Hindi man ganun ka-intense ang larong ito, I still enjoyed it! Lalo na't sobrang punung-puno ako ng kasabawan that day. Pati si Ate Karen nahawa sa kasabawan ko.

Ikukwento ko na lang din dito yung super funny moments ko sa larong ito! Nung una kasi, while the group was discussing the mechanics, sabi nila pwede mo lang bungguin yung braso ng kalaban para mapa-laglag mo yung piso nila. Bawal daw manghalik! Hindi ko alam kung naaalala ni Ma'am 'to pero sabi namin ni Ate Karen: "Ay. Bakit bawal?" HAHAHAHA! Sobrang tawang tawa kami ni Ate Karen nun. Dun yata nagsimula kasabawan namin =)) Hindi pa dun natapos mga kalokohan namin! Nung game itself na, kaming dalawa ni Ate Karen yung magkalaban. Tapos sobrang benta lang talaga nung start na nung game kasi ilang segundo lang after pumito si Ma'am, natalo ko agad si Ate Karen. Ganun din nangyari sa pangalawa. Tawa lang kami ng tawa. Hahahaha! We were shouting "Pandarya!" din kasi na parang "Darna!" with mathing taas ng kamay. =)) Uy, pero surprisingly, nung apat na kaming magkakalaban (second variation of the game) aba, umaariba na si Ate Karen! Ako naman yung kulelat. =))

Kung gagawan ko naman ng variation ang larong ito... I say na dapat pwede nang manghalik! Hahaha! Joke lang! Idadagdag ko na meron na ding BARYA (or pwede ring OREO yum yum yum) na nakalagay sa NOO. Heehee!  Mas challenging yun! <3 Kasi ang mangyayari nun, medyo nakatingala na sila! 

Now since konti lang ang mga nakasalamuha ko nung game na ito, I give the MVP award to tentenenen... Ate Karen! Woohoo! Pandarya! <3

|| 4 || Pari-pari ||

"I-Pari-pari-Mo-Ako Award"

I bet you've heard the expression na pina-uso ni Vice Ganda na "I-Dawn Zulueta Mo Ako!". If not, simple lang din naman siya. Tatakbo ka papunta sa isang tao and yung taong yun will catch you and lift you up and turn you around. Yun lang. Hahaha! This time, for this game, meron na din tayong "I-Pari Pari Mo Ako!" <3 Heehee. 

I must say, the way of pagbubuhat sa pari pari really makes you feel like you're a higher form of being. Echos! Ang sarap lang din kasi parang tumatangkad ako kahit minsan lang. It's a whole new world pala talaga when you're on top... #Echos!

Ang dami kong sinabi 'di ba? Pero swear ang SAYA nitong larong 'to and SOBRANG NAKAKAPAGOD. Ang arte ko pa nung una ayaw ko pang magpabuhat! Hahaha! Kasi ang bigat ko naman talaga :( Di porket maliit ako ibig sabihin di na ko mabigat! Hahaha! Anyway... bago pa lumihis ang topic... Ang hirap gawan ng strategy nitong laro na 'to lalo na dun sa variation na lahat kayo mapipilitan nang magbuhat. Naaawa ako sa ibang mas matatangkad sa akin pero petite tapos sila yung napapabuhat sa mas mabibigat na groupmates. Hahaha! Sa mga lalaki naman... Sus, kaya na nila yun! Hahaha!

Sobrang funny lang nung 2nd variation na kasi sobrang muntik na kaming manalo nun tapos yung last na bubuhatin, hindi nabuhat agad kasi nalito yung mga magbubuhat sa placement ng mga kamay nila. Kung right over left ba or left over right! Hahahaha! Ayun, natalo tuloy kami. :)) Nakakatawa din pala kasi may moments naman na nasa loob ng parang "square" yung bubuhatin. Paano kaya yun 'no? =))))

So siguro ang variation na lang na gagawin ko sa game na 'to ay dadagdagan ko lang ng pagpapasa ng crown or something. Bale dun sa parang end line, may maghihintay na crowned pari tapos pagdating nung next na binuhat, ipapasa nya sa sunod. Yung paghahand over ng position will happen habang buhat pa sila pareho. :)

Anyway... ang MVPs ko para sa game na 'to ay ang buong group 2! Tama ba ako? Sila ata yung nanalo. Basta yung nanalong group! Hahahaha! Natatawa ako kasi nung una kinukwestyon pa namin yung pagka-panalo nila kasi feeling talaga namin ang bilis na namin eh. =))


|| 3 || Viaje de Grecia || invented game

"Dora Lakwatsera Award"

Hay nako 'tong laro na 'to! Lumelevel sa pagka-lakwatsera ni Dora! Ang Viaje de Grecia kasi ay isang sobrang habang parang "obstacle course" pero mga paa ng mga groupmates mo ang dadaanan mo. If the number assigned to you is called, magpapaunahan kayo ng katapat nyo na ikutin yung buong linya at magpa-talun-talon kayo sa mga nakabukakang legs ng mga kaklase mo. (Sa variation may spikes pa nga yung dadaanan mo! Well, in the form of paa!) Hahaha. Sobrang nakakapagod 'to! 

Sooooooo. During the entire game I was praying na "Sana hindi ako tawagin. Sana hindi ako tawagin." Tapos dumating sa point na nasa third variation na ng game wherein ang dami nang tinatawag. NUMBER ONE! Sabi ni kuya. So napatayo agad ako and AAAAAAH!!! =)) Hindi ko na nahintay yung next number sakin. Hahaha. Grabe sobrang nakakataranta. May time pa na sabi nung katabi ko tinawag daw ako. Yun pala nabingi lang! Hahahaha. Feeling ko din the whole time na tumatakbo ako may natutuluan ako ng pawis. Hahahaha =))

EH KASO NAKAKALOKO LANG KASI WALANG WINNER! Well, dun sa third variation ng game... Hahaha. Pero sa first two variations nauna kami. Woo go group 3!! <3 <3 <3

Dahil diyan Group Three ang MVT (Most Valuable Team! HOHOHO) ng game na itey. Heehee :3

Ay, about sa variation pala... Naisip ko lang, siguro sobrang fun lalo kung meron ding mga "tunnel" na dadaanan? Yung lulusot ka sa legs ng groupmates mo. Hahaha! Oha sobrang obstacle course na talaga! :D

|| 2 || Night and Day ||

"Loading... Award"

Shocks! Sobrang fun nitong game na 'to! Sana mas maraming time yung nailaan for this game kasi seryosong nakakaloka! Hahaha. Nakasalalay kasi dun sa outcome ng pagkaka-flip ng tsinelas kung sinong manghahabol at kung sinong tatakbo. 

Nung first few rounds sa original version ng game, grabe nakakawindang na agad! Lalo na't medyo mabilis ka talaga dapat mag process kung kailangan bang ikaw yung tumakbo papalayo or ikaw yung hahabol. Nakakatawa nung una kasi laging kami (Day) yung nanghahabol sa Night. TAPOS TAPOS nung sinadya na talaga ni Ma'am na gawing pabaligtad yung tsinelas (i.e. Night na ang manghahabol sa Day), hala! Bumaligtad pa din ung tsinelas! Day pa din ang nanghabol sa Night. =)))))))

Nung second variation na, HUHU sobrang nakakatanga. =))) Dalawang tsinelas na yung ifflip tapos sasabihin ni Ma'am habang nasa ere yung mga tsinelas kung left or right slipper ba yung susundin. Nung una nakakafollow pa talaga ako. Di ko lang talaga alam kung bakit natanga ako nung parehong nakabaligtad yung slippers. Nakatingin pa ko sa mga tsinelas hinahanap ko kung alin yung left or right! Yun pala nakataob naman pareho! HUHUHU! Buti na lang di ako nataya. =))))))

May isa pang sobrang funny part sa game na 'to. During the original version pa lang yata 'to eh... Basta, may time na Night yung manghahabol sa Day. Tapos yung katabi ko medyo nalito (nakasalamin din siya, taller than me, and chubby) Aba aba, tinulak ba naman ako papunta sa Night! Nataya tuloy ako =)))) Dahil diyan gagawin ko siyang MVP! Hahahaha. Pati si Khris kasi naalala ko during the last round nakatayo na lang siya sa pwesto niya at di na siya gumalaw. =)))

Now para sa naisip kong variation ng game, pwede rin sigurong dice yung tinotoss? Tapos kung even number, Day ang hahabol sa Night. Kung odd, Night ang hahabol sa Day. Hehehe or pwede ring maraming dice tapos i-aadd mo pa yung sum nung outcomes tapos saka mo malalaman kung even or odd. Hohoho! 


|| 1 || Pinoy Dodgeball ||

"Bring It On Award"

Sobrang tagal na since the last time I played this! Buti na lang nalaro pa uli namin dito sa class <3 Ito siguro talaga yung isa sa mga larong all-time favorite nating lahat! :D

Dahil feeling ko alam niyo naman na ang Pinoy Dodgeball, magdadaldal na lang ako dito ng random experiences ko during the game! Kapag kami yung nambabato sa other group sobrang hirap makiagaw ng bola. Gusto ko din kasi mambato :( :( :( Huhuhu not that magaling ako... Pero hahahaha wala lang ang dami siguro namin masyado kaya ganon! PEro pero pero nung kami na yung binabato HOHOHO yun na talaga yung sobrang naenjoy ko <3 <3 <3 Feeling ko ang galing ko kapag nakakaiwas ako sa bola eh! Sadly meron ding mga backstabber na babatuhin ka pag nakatalikod ka =))

OH MY sobrang funny nga pala nung mga nababato sa ulo tapos naririnig mo talaga yung tunog. HAHAHA =))))

Hmmmmm ang MVP ko pala para dito ay si Ronnie! Woohoo. Bibbo kid forever to the point na minsan nagtataka na talaga ako sa sobrang pagka-bibbo nya. HAHAHA. Why you like that kuya? =)))))))

Plus isa pa palang magaling na groupmate ko din! Lance ata name nun? Or basta yung guy kung kanino ako nagbayad for the shirt. Sobrang galing niya kasing mambato as in IMBA. O_O

As for variations for the game, siguro I would suggest na yung ibang players dapat may katumbas silang something... Like kunwari pag nabato mo si Player 1, pwedeng katumbas niya dapat may umalis na tatlo pang players. Pero pag nabato mo kunwari si Player 2, makakapagbuhay siya ng 2 players. Yung mga ganon. Heehee. Kumbaga may roles sa game yung ibang players! :D


Ayan. So these are my Top 5 Games for the second half of my PE class this summer! 

Shocks medyo nakakalungkot din ha! :( Sabi ko nga sa nauna kong post 'di ba, hindi talaga ako masyadong nakapaglaro nung bata ako. Puro lalaki kasi sa amin sa bahay, kahit sa probinsya. And hindi naman ako usually naaaya sa mga laro such as these! Tapos nung elementary or highschool, ayun, nakakapaglaro ako pero not these types! Mga simpleng habulan lang, langit lupa, patintero, at marami pa. Yung iba talaga first time ko maencounter dito sa klase. Heehee sobrang fun pala talaga <3

Nakakamiss tuloy maging bata! 

To Ma'am Grecia, maraming salamat po dahil sobrang naexperience ko uling humalakhak, tumili, tumakbo, lahat na!

YOU ROCK! \m/



Thursday, May 2, 2013

You are never too young to play!

Lahat ng mga susunod na mababanggit kong mga laro ay una kong nalaman dito sa aking PE class: Philippine Games, under Prof. Jo-ann Grecia. Sobrang nakakatuwa na I was still able to make up for all the fun that I missed during my childhood. Marahil isa na rin ito sa dahilan kung bakit ito ang mga pinaka-paborito kong mga laro, dahil never ko pa nga sila na-encounter before. Aaaah sobrang fun <3 How I wish I played more nung bata pa ako! 

Top 5 Must-play Philippine Games


|| 5 || Berong Berong ||

"Nanganganak-ng-Taya Award" 


Sobrang saya nitong larong ito. Mula sa simula na iisa lang tinatakbuhan mo, biglang bumibilis (kahit papaano) yung laro once na may hawak na ibang kamay ang kahit isa sa mga kamay mo. Para bang nanganganak ng taya yung mga naunang mataya. Kampihan walang iwanan ang peg. Pero dahil maliit ako, minsan successful kong nagagawang lumusot sa ilalim ng pagkakalink ng mga kamay ng mga taya, pero nung dumami na silang taya, mas humirap na gawin ang paglusot lalo na kung dikit-dikit na sila tapos ikaw yung naisipan nilang dumugin. Bale kagandahan din pala ng laro yun, maeexperience mong dumugin ng mga tao! Haha!

Kung lalagyan ko naman ng variation ang game, gagawin kong kapit bisig yung mga taya imbis na hawak kamay. That way, mas magiging mahirap yung paggalaw ng mga taya (unless willing kang magpa-kaladkad) pero mas magiging mahirap din sa mga hindi ma natataya yung pag-iwas dahil most likely wala kang malulusutan dahil mas  clingy na yung mga taya.

Sa larong ito, ang titulong MVP ay karapat-dapat na mapunta sa pinakahuling nataya. Hindi ko natanong yung pangalan at nakalimutan ko na rin ang mukha niya… pero saludo ako sa’yo ate! Mabuhay ka!

|| 4 || May I Touch Your Hand? ||

"Clingy Award"


Ang isa sa mga kagandahan ng larong ito ay ang mala-love story effect na binibigay nito. Nung naglalaro ako, isa ako sa mga nasa bilog na kontrabida sa paghahawakan (ng kamay) ng nasa loob ng inner circle at labas ng outer circle. So siyempre effort effort din kami. Ang saya palang humadlang sa dalawang taong naghahawakan… ng kamay. Ang clingy nung dalawa eh! Gusto pa magka-holding hands! Hahaha. Napansin kong strategy ng dalawang bida sa ating love story na iikot ikot muna sila hanggang maka-tyempo sila ng isang spot na pinakamalapit ng distansya nila sa isa’t isa. Minsan kasi sa sobrang pagpipigil ng mga nasa bilog na makagalaw yung dalawa, hindi na namamaintain yung part na malayo sila sa isa’t isa. Actually lagi’t laging may sumusulpot na pwestong pinakamalapit sila sa isa’t isa, dapat lang mabilis mong maisipang pumunta dun dahil afterwards lalawak na naman yung bilog.

If given the chance na medyo baguhin ang game, siguro lalagyan ko ng rule na pwedeng makapasok sa loob ng bilog yung taya, as long as nakakapit yung taya sa kahit anong parte ng katawan ng isa sa mga nasa bilog. At saka gusto ko talagang name yung “You and Me Against the World”.

Para sa akin, ang titulong MVP ay ibibigay ko kina Jasper and Edgar dahil ang clingy nila kahit sample game pa lang. Isipin mo hinihingi ni Ma’am ay babae at lalaki pero parehas silang nagpresenta. :)) Ang ibig sabihin nga pala ng MVP dito ay Most Vaklush Player. Hahahaha!

|| 3 || Catch Me If You Can ||

"Gandang-Di-Mo-Inakala Award"


Nakakaloka yung name ng larong ito, parang “May I Touch Your Hand?” lang! Hahaha. Pero this is just a more upbeat transformation of the classic habulan. Kaya Gandang-Di-Mo-Inakala Award ang binigay ko. Ang saya nitong larong ito dahil dapat alerto ka at hindi aanga-anga dahil ang mga taya, they can call out any possible categories they could think of… at kung isa ka sa mga nagfafall under that category, lipat lipat din ng base. Nung ako naglalaro ako naging madali lang para sa akin dahil tumatakbo lang ako habang busy na yung taya. Kaso nga lang, nung inallow na ni Ma’am na marami nang mga taya sa gitna, hala ka, ayun nataya din ako kasi may nakabantay na sa akin.

Ang variation na naisipan kong pwedeng idagdag sa larong ito ay yung pwedeng may lumipat or tumakbo din papunta sa kabilang base kahit yung hindi nagfafall sa category. Para naman medyo mapag-isip din yung mga taya, hindi yung hahabol lang sila ng hahabol. So kunwari sabi nya, “lahat ng naka-pula!”. Ngayon may tumakbong naka-blue tapos tinaya niya. Walang effect yun. Taya pa din si ate. Hahahaha.

Now for the MVP, or the Most Valuable Player na bibigyan ko pa ng isa pang award na “Catch-Me-I’m-Falling Award” ay si Sharmaine! Hahaha sobrang benta kasi talaga nung ang sinabing category ni Ma’am ay lahat ng mga my crush sa klase, so kami tinignan naming lahat ng lumipat, at isa na si ate dun. Yun nga lang, na-fall siya. Hihihi!

|| 2 || Basket ng Prutas ||

"Anyare Award", "Loading Award"


Sobrang wild na pagkalito ang ibibigay sa’yo ng larong ito. Idagdag mo pa yung fact na ang sasabaw, lost, at lutang ng mga players. Hahaha. Nung unang binibigay ni Ma’am yung mechanics ng game, nagets ko naman (YESSSSSS!) tapos nung game itself na, ang dami pa ding clueless. Hahaha. Nakakaloka, sabi nga ni Ma’am. :)) Kailangan pa nakabantay si Ma’am para maexecute ng tama yung game :)) Sobrang saya talaga nito kasi nakakatawa talaga panoorin yung mga kasama mong naglalaro. Nung mga first parts nakakalipat ako agad kapag ako na pala yung bagong pain, pero may time din na nasa gitna ako pila pero tumakbo din ako. Hahaha. Sobrang nakakataranta! Masyadong kailangan ng utak, ng bilis ng mata, at ng alertness!

Kung imomodify ko naman yung laro, masaya sigurong dalawang pain at dalawang taya at the same time. Mas nakakaloka! Hahahaha.

I wasn’t really able to judge who could be the MVP for this game, kasi parang everyone naman is equally lost and sabaw!

|| 1 || Cadena de Amor ||

"Holdap 'To! Award"


Grabe lang ‘tong larong ito. Sobrang wild ng mga tao! Akala mo willing pumatay para lang manalo! Hahaha. Nung una sobrang kinakabahan ako kasi nga natakot ako sa pagka-brutal ng game to the point na parang masasakal ka na. Kinuha pa ni Ma’am yung mga salamin namin kasi baka accidentally matamaan. So ayun, nung start ng game, sobrang WAAAAAAAAAH!!!! Hindi ko alam yung nangyayari basta nakahawak lang ako sa kamay ng dalawa kong groupmates tapos nagitgit ako tapos nahulog. Hahaha. Buti hindi masyado gumasgas sa tuhod! So time’s up muna. Next round na yung sobrang nafeel ko yung enjoyment sa game. For me kasi ang galing talaga ng group namin. Lalo na nung part na dalawa sa group naming yung inattempt hulihin… Una si Khris tapos sobrang natakot ako for her kasi nga sa bandang leeg hinuhuli :)) Tapos biglang yung isang hawak ko yung kamay, hinuli din! Tapos mas malakas yung pwersa so medyo hinila siya… So during the process na hinihila yung kagroup naming na nasa side ko, ano kayang nangyari kay Khris? Nasakal ng tuluyan? Hahaha! NO!!! Dahil magaling kami, walang nakuha from our group! Woohoo! Hanggang sa dulo buo pa din kami. Ay. I was pertaining to the modified version of the game na nga pala. Nung nilaro naming yung original, mas madali akong nahuli. Tinarget ata ako kasi ang liit ko. Hahahaha.

If I were to modify the game, ang gagawin ko siguro naka-alternate kung saan nakaface yung members ng bawat bilog. Or, to be less brutal, baka pwede ring magkaka-kapit bisig na lang tapos yung members ay facing outside the circle. Then the process of panghuhuli ay hilahan na, hindi sakalan or holdapan. :))

For me, dahil nga sinabi kong ang galing talaga ng group naming during the modified version of the game, siyempre kami ang MVP! <3

So these are the Top 5 Games I enjoyed the most during the 1st half of summer! Definitely looking forward to more awesome games! :)