Lahat ng mga susunod na mababanggit kong mga laro ay una kong nalaman dito sa aking PE class: Philippine Games, under Prof. Jo-ann Grecia. Sobrang nakakatuwa na I was still able to make up for all the fun that I missed during my childhood. Marahil isa na rin ito sa dahilan kung bakit ito ang mga pinaka-paborito kong mga laro, dahil never ko pa nga sila na-encounter before. Aaaah sobrang fun <3 How I wish I played more nung bata pa ako!
Top 5 Must-play Philippine Games
|| 5 || Berong Berong ||
"Nanganganak-ng-Taya Award"
Sobrang saya nitong larong ito.
Mula sa simula na iisa lang tinatakbuhan mo, biglang bumibilis (kahit papaano)
yung laro once na may hawak na ibang kamay ang kahit isa sa mga kamay mo. Para
bang nanganganak ng taya yung mga naunang mataya. Kampihan walang iwanan ang
peg. Pero dahil maliit ako, minsan successful kong nagagawang lumusot sa ilalim
ng pagkakalink ng mga kamay ng mga taya, pero nung dumami na silang taya, mas
humirap na gawin ang paglusot lalo na kung dikit-dikit na sila tapos ikaw yung
naisipan nilang dumugin. Bale kagandahan din pala ng laro yun, maeexperience
mong dumugin ng mga tao! Haha!
Kung lalagyan ko
naman ng variation ang game, gagawin kong kapit bisig yung mga taya imbis na hawak
kamay. That way, mas magiging mahirap yung paggalaw ng mga taya (unless willing
kang magpa-kaladkad) pero mas magiging mahirap din sa mga hindi ma natataya
yung pag-iwas dahil most likely wala kang malulusutan dahil mas clingy na yung mga taya.
Sa larong ito,
ang titulong MVP ay karapat-dapat na mapunta sa pinakahuling nataya. Hindi ko
natanong yung pangalan at nakalimutan ko na rin ang mukha niya… pero saludo ako
sa’yo ate! Mabuhay ka!
|| 4 || May I Touch Your Hand? ||
|| 4 || May I Touch Your Hand? ||
"Clingy Award"
Ang isa sa mga kagandahan ng
larong ito ay ang mala-love story effect na binibigay nito. Nung naglalaro ako,
isa ako sa mga nasa bilog na kontrabida sa paghahawakan (ng kamay) ng nasa loob
ng inner circle at labas ng outer circle. So siyempre effort effort din kami.
Ang saya palang humadlang sa dalawang taong naghahawakan… ng kamay. Ang clingy
nung dalawa eh! Gusto pa magka-holding hands! Hahaha. Napansin kong strategy ng
dalawang bida sa ating love story na iikot ikot muna sila hanggang maka-tyempo
sila ng isang spot na pinakamalapit ng distansya nila sa isa’t isa. Minsan kasi
sa sobrang pagpipigil ng mga nasa bilog na makagalaw yung dalawa, hindi na
namamaintain yung part na malayo sila sa isa’t isa. Actually lagi’t laging may sumusulpot
na pwestong pinakamalapit sila sa isa’t isa, dapat lang mabilis mong maisipang
pumunta dun dahil afterwards lalawak na naman yung bilog.
If
given the chance na medyo baguhin ang game, siguro lalagyan ko ng rule na
pwedeng makapasok sa loob ng bilog yung taya, as long as nakakapit yung taya sa
kahit anong parte ng katawan ng isa sa mga nasa bilog. At saka gusto ko
talagang name yung “You and Me Against the World”.
Para
sa akin, ang titulong MVP ay ibibigay ko kina Jasper and Edgar dahil ang clingy
nila kahit sample game pa lang. Isipin mo hinihingi ni Ma’am ay babae at lalaki
pero parehas silang nagpresenta. :)) Ang ibig sabihin nga pala ng MVP dito ay
Most Vaklush Player. Hahahaha!
|| 3 || Catch Me If You Can ||
|| 3 || Catch Me If You Can ||
"Gandang-Di-Mo-Inakala Award"
Nakakaloka yung name ng larong
ito, parang “May I Touch Your Hand?” lang! Hahaha. Pero this is just a more
upbeat transformation of the classic habulan. Kaya Gandang-Di-Mo-Inakala Award
ang binigay ko. Ang saya nitong larong ito dahil dapat alerto ka at hindi
aanga-anga dahil ang mga taya, they can call out any possible categories they
could think of… at kung isa ka sa mga nagfafall under that category, lipat
lipat din ng base. Nung ako naglalaro ako naging madali lang para sa akin dahil
tumatakbo lang ako habang busy na yung taya. Kaso nga lang, nung inallow na ni
Ma’am na marami nang mga taya sa gitna, hala ka, ayun nataya din ako kasi may
nakabantay na sa akin.
Ang
variation na naisipan kong pwedeng idagdag sa larong ito ay yung pwedeng may
lumipat or tumakbo din papunta sa kabilang base kahit yung hindi nagfafall sa
category. Para naman medyo mapag-isip din yung mga taya, hindi yung hahabol
lang sila ng hahabol. So kunwari sabi nya, “lahat ng naka-pula!”. Ngayon may
tumakbong naka-blue tapos tinaya niya. Walang effect yun. Taya pa din si ate.
Hahahaha.
Now
for the MVP, or the Most Valuable Player na bibigyan ko pa ng isa pang award na
“Catch-Me-I’m-Falling Award” ay si Sharmaine! Hahaha sobrang benta kasi talaga
nung ang sinabing category ni Ma’am ay lahat ng mga my crush sa klase, so kami
tinignan naming lahat ng lumipat, at isa na si ate dun. Yun nga lang, na-fall
siya. Hihihi!
|| 2 || Basket ng Prutas ||
"Anyare Award", "Loading Award"
Sobrang wild na pagkalito ang
ibibigay sa’yo ng larong ito. Idagdag mo pa yung fact na ang sasabaw, lost, at
lutang ng mga players. Hahaha. Nung unang binibigay ni Ma’am yung mechanics ng
game, nagets ko naman (YESSSSSS!) tapos nung game itself na, ang dami pa ding
clueless. Hahaha. Nakakaloka, sabi nga ni Ma’am. :)) Kailangan pa nakabantay si
Ma’am para maexecute ng tama yung game :)) Sobrang saya talaga nito kasi
nakakatawa talaga panoorin yung mga kasama mong naglalaro. Nung mga first parts
nakakalipat ako agad kapag ako na pala yung bagong pain, pero may time din na
nasa gitna ako pila pero tumakbo din ako. Hahaha. Sobrang nakakataranta! Masyadong
kailangan ng utak, ng bilis ng mata, at ng alertness!
Kung
imomodify ko naman yung laro, masaya sigurong dalawang pain at dalawang taya at
the same time. Mas nakakaloka! Hahahaha.
I wasn’t really able to judge who could be the
MVP for this game, kasi parang everyone naman is equally lost and sabaw!
|| 1 || Cadena de Amor ||
|| 1 || Cadena de Amor ||
"Holdap 'To! Award"
Grabe
lang ‘tong larong ito. Sobrang wild ng mga tao! Akala mo willing pumatay para
lang manalo! Hahaha. Nung una sobrang kinakabahan ako kasi nga natakot ako sa
pagka-brutal ng game to the point na parang masasakal ka na. Kinuha pa ni Ma’am
yung mga salamin namin kasi baka accidentally matamaan. So ayun, nung start ng
game, sobrang WAAAAAAAAAH!!!! Hindi ko alam yung nangyayari basta nakahawak
lang ako sa kamay ng dalawa kong groupmates tapos nagitgit ako tapos nahulog.
Hahaha. Buti hindi masyado gumasgas sa tuhod! So time’s up muna. Next round na
yung sobrang nafeel ko yung enjoyment sa game. For me kasi ang galing talaga ng
group namin. Lalo na nung part na dalawa sa group naming yung inattempt hulihin…
Una si Khris tapos sobrang natakot ako for her kasi nga sa bandang leeg
hinuhuli :)) Tapos biglang yung isang hawak ko yung kamay, hinuli din! Tapos
mas malakas yung pwersa so medyo hinila siya… So during the process na hinihila
yung kagroup naming na nasa side ko, ano kayang nangyari kay Khris? Nasakal ng
tuluyan? Hahaha! NO!!! Dahil magaling kami, walang nakuha from our group!
Woohoo! Hanggang sa dulo buo pa din kami. Ay. I was pertaining to the modified
version of the game na nga pala. Nung nilaro naming yung original, mas madali
akong nahuli. Tinarget ata ako kasi ang liit ko. Hahahaha.
If
I were to modify the game, ang gagawin ko siguro naka-alternate kung saan
nakaface yung members ng bawat bilog. Or, to be less brutal, baka pwede ring
magkaka-kapit bisig na lang tapos yung members ay facing outside the circle.
Then the process of panghuhuli ay hilahan na, hindi sakalan or holdapan. :))
For
me, dahil nga sinabi kong ang galing talaga ng group naming during the modified
version of the game, siyempre kami ang MVP! <3
No comments:
Post a Comment